Putting it into a Habit

                            


As mentioned, we are not only reviewing topics but we are also trying to put the habit of answering questions/exams everyday, para pagdating sa mismong exam ay mas madali na para sa atin.

So how do we answer those questions?

We apply the CARL Method

C-omprehenssion

Basahin munang mabuti ang tanong. Iemphasize ang context ng tanong dahil ito yung tutulong sayo na pumili ng best answer. Hindi tayo naghahanap ng tamang sagot kundi ng pinakatamang sagot. (Malaking tulong rin para sakin yung google translate sa blog na makikita sa gilid)

A-nticipate

Nang hindi tumitingin sa pagpipilian, pagkabasa mo ng tanong ianticipate mo muna kung ano yung mga idea na pumapasok sa isip mo.

R-emoval

Sa apat na pagpipilian, Isa lang ang tamang sagot. At mas madali pumili ng mali kaysa sa pinakatama.

Magtanggal ng dalawa na sa palagay mo ay hindi tama.

L-everage

Ngayon sa dalawang pagpipilian mo na sa palagay mo na tama dahil nagtanggal ka ng mali, tumaas na yung chance mo na maging tama to 50%. Para pumili ng pinaka tama, bumalik ka sa pinakatanong. Yung inemphasizes mo ang magtuturo kung ano.

May video link yung explanation nito sa youtube:

https://youtu.be/M7wxr_iOCvc


Wag tayo panghihinaan ng loob kung karamihan ng tanong ay wala tayong idea.

Kaya nga tayo nag rereview eh para malaman natin. 

Hanggat maaga, Kakayanin. Payting!

Comments

Popular posts from this blog

TLE: Carpentry and Masonry Part 3

TLE: Plumbing 60 Items

Drafting Notes

TLE: Drafting 100 Items

About this Blog

TLE: Plumbing Part 2

TLE: Carpentry and Masonry Part 5

TLE: Plumbing Part 5

TLE: Carpentry and Masonry Part 1